Tuesday, May 30, 2006
2:48 AM
no oven + insomnia= tagalog poetrygulat ako, napatula ako bigla.haha. no oven + can't sleep = tagalog poetry hahaha.
this orig one's called Lunes...I haven't written tagalog in ages but I miss it...for everyone who hates weekdays...
LUNES
kapag sumilip ang liwanag
sa pagtulog na ni buwan
ako'y pakipot pang dumilat
bespren ko pa si unan
kamot kamot sa mata
konting hikab pang bitin
yoko pang malaman
kung wala na'ng bawat bituin
pag abot sa telepono
may konti pang dasal
na sana maaga aking bangon
kalayo pa ng almusal
ngunit sa sigaw na ng mga bata
na patakbo takbo doon
alam kong gising na ang linggo
Inaantay na ako ni sabon
Natapos din ang signal #2
sa loob ng banyong kyut
wag limutin ang mga kalat
dapat sa basura syut na syut
sa isang kwarto sa ciudad
na sa totoo'y napakaliit
ang simula ng bawat araw
nitong babaeng makulit
parang simple lang ang buhay
pero minsan sobrang hindi
alam naman natin kung bakit
lagi sa trabahong nagmamadali
kaya eto nalang ako bigla
nakaupo at napapaisip
marami palang masasabi
tungkol sa "kondo" kong masikip
Dating dati ang huling pagtula
mukhang naubusan na ng Ingles
Sa pagsusulat wala akong sawa
patapos na rin ang aking Lunes
*Click here&Post a comment*